Plandemic? Totoo ba ang Covid? Common Covid Myths!

Disclaimer: I am not a medical professional, the following are my views and opinions only on the Covid-19 issues.

It’s been a year since Covid-19 hits Philippines. Our government has even used a lot of names for lockdowns/community quarantines. From GCQ, ECQ, MECQ and MGCQ and now we have the Bubble!

Pero yung malaking tanung nung mga tao, totoo ba yung Covid Pandemic? Meron ba talagang Covid? Isa-isahin natin yung mga tanong at mga argyomento ng mga tao ukol sa Covid Pandemic.

#1 Gusto ng local governments na dumami yung COVID positive para mag ka pera! May quota kasi.

Opinion: Sa aking palagay, ayaw ng LGU na dumami yung COVID positive sa kanilang lugar. The LGU suffers also pag merong lockdown. Remember that the economic stability of a certain place is greatly affected by a lockdown or an ECQ. Having a lot of people to quarantine is also costly to the LGU. So it would not make sense na gustohin nila yung dumami ang positive.
Maybe some testing centers use this pandemic para lumaki ang kita, but I dont think the LGU and its leaders will benefit with that.

#2 If totoo ang COVID bakit hindi ako nag ka COVID? Hindi naman ako nag fo-follow ng protocol.

Opinion: Covid is the same with other viral disease. Hindi po lahat tatamaan. Meaning, kahit po hindi kau tinamaan, that doesn’t mean hindi na sya nag e-exist.

#3 Masyadong mababa ang fatality ni Covid. Bakit tayo mababahala, parang sipon lang naman yan.

Opinion: Partly tama po, mababa naman talaga yung fatality ni Covid. But obviously mas mataas po sa sipon na common nating nararanasan. And, we all know that it greatly affects the senior citizens dahil mas mahina na yung katawan nila. So kahit mababa, nakamamatay pa rin so kailangang mag ingat.

#4 Na laglag sa puno ng mangga Covid agad para lng mag ka pera!

Opinion: Hindi naman po reason yung Covid na nalaglag yung tao sa puno ng mangga. Peru kailangan nating intendihin na madami yung hindi natetest, so meaning, marami na dn yung asymptomatic carriers ng Covid. So posible talaga na mag positive po yung na laglag sa puno ng mangga. 🙂

#5 Wala ng ibang alam na sakit yung hospital puro Covid. Pera-pera kasi.

Opinion: I think na hi-highlight lang yung Covid since yung yung binabantayan ng media. And worst, ma tetest ka kung mag papa hospital ka and kahit iba yung reason mu why pumunta ka ng hospital, since te-nest ka ng RT-PCR, merong chance na mag popositive ka. Regarding on “Pera-pera” issue, it might true na merong ganung hospital. I do believe also that some testing centers are using this pandemic for their own benefit. But I dont think we can generalize na ganun na yung lahat. Madami pa rin naman matitinung doctor and hospitals.

#6 Nag ka sipon lang at ubo Covid na agad!

Opinion: Meron or wala ka pong sipon at ubo pag ti-nest ka at nag positive ka po, syempre e de-declare ka pong Covid Positive. Remember po, symptoms din ni Covid yung sipon at ubo. And siguro wala namang ma wawala kung mag quarantine po muna while may sipon or ubo, na kakahawa din yan kahid hindi pa yan Covid 🙂

#7 Nasagasaan, namatay, bakit e-papatest ng Covid? Tapos e-dedeclare na covid case? Pera-pera lang?

Opinion: Hindi naman po siguro e dedeclare ng doctor na cause of death is covid kahit nag positive po yun. Testing is necessary to determine what to do and to ensure safety of the people na mag hahandle nung bangkay. Since if carrier po yun and hindi na test, pwedi pong mahawa yung taga funeraria at ibang lumapit dun sa bangkay.

#8 Pag may Philhealth positive agad.

Opinion: Again, maybe merong mga hospital na nanamantala, but iilan lng yun. If duda po kau sa result, then have another test from another testing center like red cross. Remember may PhilHealth naman halus lahat ng pinoy, and madami din naman te-nest na meron pa ngang other medical plan but hindi naman nag positive. So I doubt kung may relasyon ba yung philhealth dun sa result ng covid test.

#9 Pinagkakaperahan tayo ng mga doctor and nurses! Kaya Covid nalang palagi.

Opinion: Parang malabo po na yung mga doctor and nurses ang pag bibintangan natin. Una po, kahit doctor or nurse ayaw nilang mag positive yung kanilang pasyente, kasi ayaw din naman nilang ma lagay sa risk yung buhay nila. Pangalawa, wala naman pong kikitain yung doctor pag nag positive po kau (maybe yung testing center at hospital) peru yung doctor and nurses wala naman. Ni wala nga pong gamot, so wala namang ma bibigay na gamot sa covid patient. Besides, mas gustohin pa rin siguro nila yung walang Covid, may income naman sila kahit walang Covid, less pa yung work load and risk nila. 🙂

#10 Basta para sa akin normal na sipon lang yang covid na yan. Pinalala lang ng media, at isa lng yang Plandemic para ma control yung tao.

Opinion: If you think basic na sipon lang yung covid and plandemic ito, please look at our hospitals. Bakit na puno ngayon? dahil ba sa sipon? or baka sabihin mu dahil madami yung na pneumonia. Well madami nga! And alam po ba natin na ang pinaka common na effect ng Covid sa katawan natin ay pneumonia? So bakit biglang dumami nag ka pneumonia sa panahon ng covid pandemic? Hindi ba dahil nga sa Covid? Hindi po lahat ng tao malakas yung resistance to fight off covid. Hindi naman natin alam paano mag re-respond yung immune system natin pag pinasok tayo nung covid. So in the end, we will never know if we will be asymptomatic, will experience mild symptoms, will have moderate symptoms, or worse we will have a severe case. Its not a question about media and government control. It is a real virus. Maybe some are using it to gain profit but still, the virus is real. Its effects are real. And the world, not only the Philippines, is suffering from it.

#11 Ang daming recoveries, e vitamins lang naman yung binagay gumaling na, anu yan milagro!

Opinion: Milagro po talaga! 😀 … Seriously, wala pa naman po kasing gamot yung covid19, so yung ginagawa po ng quarantine facility and hospitals is management lang po ng symptoms. So maybe yung tanong nung iba, if walang gamut bat gumaling? Luckily po, same with other viral na sakit like flu virus, nakaka build ng panlaban ang ating immune system sa virus after several days kaya po gumagaling tayo. (meron din pong virus na d malabalan ng immune system natin like HIV) So pag wala po tayong malalang symptoms after 14 days ok na po tayo. Ibang story naman po dun sa severe cases.

Maybe totoo pong merong false positive, meron din pong nanamantala, but isa lang po yung sigurado, Covid is real! It can kill, it can do permanent damage to our body – lalo na yung lungs natin, and we can infect our love ones. So if na test po kayo and nag positive but you believe na wala kang Covid, still its best to isolate, what is 14 days than losing someone because of our stubbornness.

So let us all help one another! Let us all do our part to end this pandemic. (Rather than rant and spread that Covid is fake)

Plandemic? Totoo ba ang Covid? Common Covid Myths!